Di parin ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon, totoo ba ito? siya? ang ama ko? o baka nanaginip lang ako? pakiramdam ko tumigil ang mundo ko, pakiramdam ko isang taon na kami rito na nagkatitigan, gusto ko nang gumising kung totoo ngang nanaginip nga ako unti unti siyang lumapit sakin, mas nakita ko siya nag malapitan. Mata sa mata "Nak!" kalmado niyang tugon wala akong ibang masagot kung hindi ang yakapin siya, yakapin siya nang mahigpit na mahigpit "bakit ngayon ka lang?" unti unti nanamang tumulo ang mga likido galing sa aking mga mata, ganito ako eh! iyakin! huhu "nak, hayaan mo muna akong magpaliwanag!" Bulong niyang tugon bumitaw ako sa yakap ko, mula sanggol, never ko pa siyang nakita, ni hindi ko nga siya kilala nang lubusan "Paliwanag? matapos mo kaming ewan? ngayon?