"Nak! Gising na! Nandito na yung boyfriend mo!" Tawag pa sakin ni mama, Tsk! 10 A.M. na ba? Haaaayst! Ang bilis naman nang oras. Tsk, sarap pang matulog e. Bumangon nalang ako sa kama ko, at naghanda ng susuotin ko at mga gamit narin para sa lalakarin namin ni sunget . Binuksan ko nalang yung pinto at bumungad agad sa paningin ko si nanay, at nakangiti pa ah! So? Nangaasar nanaman ba siya? "Yung boyfriend mo nasa labas na!" Nakangiti pa niyang sabi, Umirap nalang ako, "Nay! Di ko siya boyfriend!" Sabi ko, at pumunta na ako nang banyo nang naka martsha! Tsk, kainis eh! Bagong gising, Nakaka badtrip agad. "Hindi pa? Okay payn! Sabi mo eh!" Aba! May sinabi ba akong PA? Tsk! Kahit kelan bingi talaga tong si nanay o. Well kung sa bagay, tumatanda e. Pumasok ako sa banyo at naligo n