Inirapan ko nalang sya, tsk, gwapo pa naman sya, Masunget nga lang.
"Umalis ka na nga jan!"
Tinulak nya ako papalayo sa upuan nya, at agad naman itong umupo. Yabang? Porket companya nya to?
"Kunin mo na nga yung mga papeles ko doon sa drawer!"
Walang modo pa niyang utos sakin, bahala ka sa buhay mong masungit ka!
Nakatunganga nalang ako dito, Sino ba sya para sundin ko? Boss? Di ko parin makalimutan yung ginawa nya sakin kahapon, Sinira na nga nya iyong phone ko, Sinabihan pa ako na panget? Ang sama niya!
"Ano ba!"
Inip nyang sigaw sakin, Bahala ka jan, Say please first.
Tinaasan ko nalang sya ng kilay, Puputok ka jan sa galit masunget na lalaki.
Tumayo sya, tas lumapit sya sakin, waaaah! Lagooot! Nagalit ko ata! Well, Im not scared. Kahit na tigre siya sisikapin kong maging leon.
Nilapit nya yung mukha nya sa mukha ko, anong ginagawa nya?
Napatingin nalang ako sa labi nya, hahalikan nya ako?
Pumikit nalang ako,
"Hatchiiiiiiii!"
Waaaaah! Lagot!
Nabugahan ko si boss nang mga laway sa mukha nya, Lagooot Ako neto... Letche naman tong lalamunan ko oh.
Natawa nalang ako sa itsura nya,
Kitang kita ko sa mukha nya yung galit, ni kahit anong oras puputok na ito. Lagot, Lupa! Eat me now! Now na!
Sasampalin na nya sana ako nang bigla kung inabot sakanya yung towel ko, buti't napigilan ko
"Towel?"
Pabebe ko pang abot, tssss? Ayoko sanang tumulong kaso patay ako kapag wala akong gingawa, He's my one great enemy.
"I dont need your f*****g towel! I have my own!"
Kinuha nya yung towel nya sa bulsa nya, yun naman pala eh, Ako na nga itong tumutulong, I hate him! Nagmamagandang loob na nga itong tao.
Lumabas nalang ako ng office nya, Makialis na nga! Baka makapatay pa ako ng tao dito eh, Mahirap na.
Pagkalabas ko sa office , nagaalinlangan akong lumabas ng tuluyan, di ba nya ako hahabulin? Tangina naman oh!
Wait! Bat ba ako nagaasume na hahabulin nya? Kaano- ano ba nya ako? Kaano -ano ko ba sya? Bahala na nga sya sa buhay niya!
Kaya pala! Kaya pala walang tumatanggap sa offer nila na as secretary, Ang sungit nang boss nila eh! Mr. Mathew Jhon Carl Gonzales Jr. A.K.A. Mr. Sunget, I hate him! I really really hate him.
Dahan dahan nalang akong pumasok sa elevator, mag reresign na ako!
Pagkapasok ko sa elevator, bigla kung naisip si mama, paano na to? Paano na si mama? Yung bills namin? Yung panggastos namin? Ako pa naman yung tanging anak na inaasahan nya, ayoko syang biguin, mahal ko ang mama ko...
Bigla kung naisip yung gamot nya, oo may sakit si mama, at kaya ako naghahanap nang trabaho, kasi kailangan namin nang pera, pera para sa gamot ni mama, ayoko pa syang mawala sa buhay ko, malala na yung sakit niya, At nakakalungkot na isipin, na wala man lang akung maitulong sakanya,
Bigla ko nalang namalayan na unti -unti na palang tumulo yung luha ko sa mga mata ko, ayoko na! Ayoko na! Bakit ba pinanganak pa ako bilang mahirap? Bakit ba may sakit pa si mama? Bakit ba kailangan ko pang maghirap nang ganito?
Pinunasan ko nalang iyong luha ko sa mga mata ko, kailangan kong maging matatag,
Palabas na ako nang exit, wala na akong trabaho, wala na akong pampagamot kay mama, wala na! Wala na lahat!
Napatingin nalang sakin yung mga staff dito na habang umiiyak ako, kitang kita ko sa mga tingin nila yung pag alala, at lungkot, ganun ba kasama ang boss nila? Wala ba syang puso?
Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad palabas, habang umiiyak,
"Yes boss"
Dinig ko yung sabi nong guard, may kausap ata sya sa telepono nya, at bigla nalang nya akung hinarangan, pati ba sya? Aasarin ako? What the heck!
"Ano? Aasarin mo rin ba ako? Ayoko na! Ayoko na! Pagod na ako eh!"
Nagpatuloy parin yung pagtulo nang mga luha ko galing sa mga mata ko, matatag ka tif, Wag kang umiyak!
"Hindi po ma'am! Pinatawag ka daw ni boss"
Bo -boss? Para san pa?
Hinila nya ako tas binigay nya ako dun sa dalawang lalaki, tas dinala nila ako pabalik sa elevator, ok ok, ang kapal nang face nila na hilain nila ako nang ganito. Wala ba sa bukabularyo nila yung salitang GENTLEMAN! Mana sila sa boss nila!
Pagkarating namin, dumeretso na kami sa office ni mat, sino ba sya upang tawaging boss? sir? Asa sya!
"Leave us!"
Seryosong tugon nang boss nila, tas iniwan na nila kami dito,
Mga ilang minuto narin kaming nakatunganga rito, akala ko ba may sadya sya sakin? Nabibingi na ako sa katahimikan dito eh!
Ayoko mang gawin, pero okay, Ako na mag o-open. Para matapos na 'to,
"Ano ba kailangan mo?"
Tanong ko sakanya, habang nilalaro nya iyong ballpen nya, at nakatutok lang sa laptap nya,
Matagal tagal rin bago sya sumagot,
"Okay, ngayon ko lang ginawa to, pasalamat ka at nangangailangan ako nang secretary"
Napabugtong hininga muna sya, bago nya tinuloy yung sasabihin nya,
Matagal tagal ko ring hinintay yaong susunod nyang sabihin, Ano ba talaga kailangan nya? Naiinip na ako eh.
Napabuntog hininga muna sya,
"Sorry"
Biglang nanlaki yung mga mata ko sa narinig ko. Sya? Nanghihingi nang tawad? How great he is!
Napakunot nalang ako sa noo ko,
Nagsmile lang ako sa kanya, so ibig sabihin? May trabaho na ulit ako? May ipapagamot na ako kay nanay? Salamat naman kung ganun, mabait naman pala sya eh. Di lang halata! Devil kasi yung palaging inaasal nya, Bigla akung na turn on, tsk, no ba to? Boss ko sya, boss! Okay? Wala nang mas hihigit pa 'non! Okay? Okay?
"Okay na? Kaya starting now! Magsisimula kana."
Kalmado niyang tugon saakin
Inabot nya sakin yung isang folder, ano nanaman to? Napakunot ulit ako sa noo ko habang pinagmasdan ang isang kulay puti na folder.
"Do's and Dont's?"
Sabi ko sa sarili ko, hmmm,
Para saan?
"Yan ang mga ayaw at gusto ko, pag-aralan mo yan, dapat makuha mo yung mga di at dapat na mga taste ko at mga rules, Bukas na bukas, magsisimula ka na jan. Pero ngayon, hindi na muna, pag-aralan mo iyang mabuti. Masama akong magalit, understood?"
Papapaliwanag pa nya
Haayst! Ang dami naman nito, Wala to sa ten commandments eh. Mas masahol pa sya sa diyos!
"Okay"
Sang-ayon ko pa,
"You can start"
Pa sungit nyang sagot, Panandalian lang pala yung kabaitan nya... Bumalik nanaman sya sa pagiging demonyo nya , May bago ba don? Kaya wag kanang umasa na bumait tong demenyong to tif! okay?
Tumayo na ako sa kinauupuan ko, nang biglang nalaglag yung phone ko, yung sinira nyang phone kahapun,
Dali dali ko itong kinuha at nilagay sa bag ko, tas humaharorot na ako palayo, nang bigla syang nagsalita, Ano nanaman!
"Wait"
Pagpapatigil pa niya sakin,
Humarap ulit ako, at sininyasan na lumapit daw ako, kaya lumapit na rin ako, ano nanaman kayang gusto nya?
Kinuha nya sakin yung phone ko, tas tinitigan, Malamang! Nilalait na nya yan! Cheap kasi yang phone na yan, Kumpara jaan sa phone niyang mamahalin
"Phone mo to ?"
Tanong nya, kaya napataas nalang ako nang kilay
"Bakit? Anong meron sa phone ko?"
Pasungit ko pa,
Aba! Whats funny aber? Kainis sya! Nangaasar nanaman eh...
"Akin na nga yan!"
Kinuha ko yung phone ko tas tuluyan na akong lumabas.
Ang yabang nya! Porket mamahalin yung phone nya? Ganun ganun nalang niyang lalaitin 'tong phone ko? Cheee!
Kahit ganito 'to, mahal ko kaya 'to. This is my one and only phone, My one and only. Pero sinira pa nya! Sayang naman no kung bibili ako nang bago. Pwede pa naman 'to eh! Mayabang nga lang sya, Porket mayaman?
Tseee! Masama naman ugali!