Chapter 52 Sashna’s pov: Ang daming ipinamiling gamit at damit ni Aizen para sa akin. Medyo nagugulat talaga ako sa kanya na para bang alam niya kung ano ang mga gusto at hilig ko kaya lang… sa dami nito ay nahihirapan naman akong magdala! Hindi ko naman sinabi sa kanyang bilhan niya ako ng mga ito, hindi sa nagrereklamo ako o ano pero… sana naman tinutulungan niya akong magdala! Tzk! “A-aray!!!” bulalas ko nang matapilok ako at mapaupo sa daan. Napangirit ako sa sakit ng balakang ko. Ang sakit! “Ilan nahuli mo?” tanong niya na hindi ko namalayang nakalapit na pala sa akin. “H-ha? A-ano?” inis kong tanong dahil parang inaasar nya pa ako. “Napakasungit mo, may regla ka ba?!” tanong niya. Sira talaga! Sino ba kasing hindi maiinis!? Kanina pa kami lakad ng lak

