Chapter 49 Dylan's pov: Haaayyy… Nasaan na ba ang lalaking ‘yon? Nakailang text at tawag na ako sa kanya pero hindi man lang niya sinasagot! Tzk! Kapag nalaman niyang pinagpaplanuhan na ang kasal nila ni Venice siguradong makakapatay siya ng wala sa oras! Kumag talaga! Bakit ba hindi niya sinasagot ang mga tawag ko? May nangyari bang masama sa kanila ni Sashna? Imposible! Kanina ko pa sinusulyapan ang cellphone ko, parang halos kada sampung minute ay tinitignan ko ito. Nakakaasar, baka siya ang may ginagawang hindi maganda kay Sashna!? Lagot talaga sa akin ang mandarayang ‘yon! … … … Naibagsak ko tuloy ang mga kamay ko sa keyboard ng kompyuter. Tzk! Ano ba itong ginagawa ko!? Kahit anong isip ko kung ano ang passcode ng ‘secret file’ ni Shiva ay hindi ko talaga ma

