Chapter 61 Sashna’s pov: Naligo akong muli matapos naming magsanay ni Aizen. Paglabas ko ng banyo kanina ay hindi ko na siya nakita, malamang ay nandoon din siya sa kanyang kwarto at nagpapahinga. Kinukuskos ko ang tuwalya sa buhok ko para matuyo habang nakaupo at nakaharap sa salamin. Napalingon ako sa maliit na orasan na nakapatong sa maliit na mesa, mag-aalasingko na pala? Hmn, bakit kaya wala pa sila lola? Napabuntong-hininga ako at napanguso pagkatapos. Bakit kasi iniwan nila ako kasama ang kumag na iyon!? Malamang ay namamasyal pa sila hanggang ngayon. Tumayo ako at isinampay ng maayos ang tuwalyang hawak ko sa sabitan. Naglakad ako ng marahan papunta sa kama ko at pabagsak kong inihiga ang katawan ko. Nakasubsob ang mukha ko sa kama at malayang nakalatag ang mga

