Chapter 59 Sashna’s pov: Walang kasiguraduhan. Napayuko ako ng bahagya at napatulala habang nakatitig sa lupa. Paulit-ulit kong naririnig ang mga katagang sinabi niya. Kung sabagay, tama naman siya. Hindi pa ako isang Mafia ay magulo na ang buhay ko kaya nga kami nagkakilala dahil iniligtas niya ako noon sa mga taong nagtangka sa akin ng masama. Kahit umalis ako sa pagiging isang Mafia, wala ngang kasiguraduhan na titigilan na ako ng mga taong gustong kumuha sa akin. Hindi ko alam kung mabubuhay pa ako ng walang proteksyon ni Aizen at hindi pwedeng habang buhay ay nakadepende ang kaligtasan ko sa kanyang mga kamay. Naiyakap ko ang aking mga braso nang makaramdam ako ng pagkabalisa. Naalala ko ang huling nangyari sa amin nang malagay kami sa panganib. Wala akong naga

