Gaya ng sinabi ng Mama ni Shawn, pinagluto n'ya si Shawn ng menudo. Isa sa paborito n'yang lutuin nang nasa Canada s'ya sa tuwing namimiss ang pagkain sa pinas. Dahil na rin mag-isa s'yang naninirahan sa Canada kaya natuto s'ya sa mga gawaing bahay. Matapos maayos ang mga pagkain na dadalhin sa opisina ng asawa ay agad na s'yang nag-ayos. Kailangan maganda s'ya dahil makikita s'ya ng mga katrabaho ng asawa. Teka alam ba ng mga katrabaho ni Shawn na may asawa na ito? Bigla n'yang natanong sa sarili. Malamang hindi, Shawn's hate her so much. Isang spaghetti dress na above the knee ang suot n'ya at sandals, naglagay din s'ya ng konting make up at nag-ayos ng buhok. Ilang beses pa n'yang sinuri ang sarili sa salamin, para siguraduhing maganda s'ya, naapangiti s'ya sa sarili. At biglang alala