Nahinto ang asawa sa ginagawa. Nagangat ito ng ulo at sinulyapan s'ya, habol ang hiningang nakatitig sa napakagwapong asawa, pagkatapos nalipat ang atensyon ni Shawn sa mga katok sa pinto. Maya-maya pa narinig n'yang bumukas ang pintuan, nananatiling nasa ibabaw n'ya ang asawa at s'ya naman ay nakahiga sa sofa, hindi n'ya nakikita ang pumasok sa loob. Kung bakit naman kasi hindi naka lock ang pintuan at kung anu-ano na ang ginagawa nila ng asawa. "Shawn ipag re-reserve ba kita sa restaurant for your lunch?" Tanong ng tinig. Nakakasigurado s'yang si Patricia ang nasa may pintuan. Nagtaas s'ya ng kilay habang nananatili sa awkward na posisyon. Hindi naman s'ya nakikita ni Patricia, tanging si Shawn lang naman ang nakikita nito sa sofa, kaya marahil hindi alam ni Patricia na nakahiga s'ya