Pakiramdam n'ya may yumuyugyog sa balikat n'ya. Pilit n'yang binuksan ang mga mata, agad n'yang nakita si Shawn na nakatunghay sa kanya, nanlaki ang mga mata n'ya at tila nawala ang antok ng makita ang gwapong asawa. "Shawn?" Anas n'ya. "Good morning," walang ngiting bati ni Shawn. At napansin ang pagsulyap nito sa kanya, sa may dibdib n'ya. Niyuko n'ya ang sarili at nakitang hubad s'ya at hindi natatakpan ng maayos sa kumot ang hubad n'yang katawan. Mabilis n'yang hinila ang kumot at tinakip sa katawan hanggang sa baba nya. Napatitig s'ya kay Shawn na titig na titig rin sa kanya. Kanina pa ba ito gising at nakatingin sa kanya? Hindi n'ya namalayan na nakatulog pala s'ya kagabi, kahit hindi tumitigil ang isip n'ya sa kakaisip ng kung anu-ano. Eto nga at nagbungga na ang ginawa n'ya kaga

