Nakauwi sila ni Shawn sa San Miguel, na walang kibuan, binubuhos ng asawa ang galit nito sa pagmamaneho, natatakot naman s'yang magtanong sa asawa. Naiintindihan naman n'ya ang nakita nila ni Shawn, malinaw na may karelasyon ang Mama ni Shawn sa isang Mr. Del Castillo. Hindi s'ya sigurado kung ang Mr. Del Castillo na nakita nila ni Shawn sa Baguio ay ang nagmamay-ari ng Del Castillo Resorts a bayan nila. "Shawn," tawag n'ya sa asawa ng makapasok na sila sa silid. Liningon lang s'ya nito at naupo sa sofa. "Why?" He asked. "About sa nakita natin kay Mama kanina-" "Drop it ayokong pag-usapan!" Matigas na sagot nito at tumayo mula sa kinauupuan. "Shawn," tawag n'ya sa asawa. Pero natuloy lang sa paglabas ng silid ang asawa. Damay na s'ya sa galit ng asawa, kahit wala naman s'yang kinala