Chapter-4

1515 Words
Kanina pa niya tinitigan ang sarili sa salamin. Nakapagbihis na rin siya at nakapagsuklay ng mahabang buhok pero tila siya nagdadalawang-isip kung bababa o hindi. "Ano bang balak gawin ni Shawn kanina?" tanong niya at napasimangot. "Hahalikan ba niya ko dapat? Oh ano? Haiyyyzz, nakakainis naman. Kung halik lang naman, pwede. Syempre isa sa mga pinapangarap ko yon, ang muling mahalikan ni Shawn. Pero kung - kung - ano, kung i-consummate ang kasal namin... pwe - pwede rin, basta maingat lang siya at di ako sasaktan physically," sabi niya habang nakaharap sa salamin. Aaminin niyang nae-excite siya at natatakot kay Shawn. "Kainis naman," maktol niya at tumayo, sinuri ang sarili. Pinili niyang isuot ang puting walking short at lace sando na nagpapakita ng makinis niyang balat. Maputi na siya dati pa at lalo lang siyang pumuti nang pumunta sa Canada. "I know you Shawn, you can't resist me," bulong niya at inayos ang bra para lalong apitin ang mga dibdib para magpakita ng konting cleavage na kahit papano ay pwedeng magpagising sa p*********i ni Shawn. Ngumiti siya at naglakad na palabas ng silid. Pagbaba niya, halos wala naman siyang makitang tao. Sa lawak kasi ng mansyon ng mga Alvarez, parang hindi na halos nagkikitaan ang mga nakatira sa mansyon. Ginala niya ang mga mata at hinanap kung saan ang sinasabing nakahandang pagkain ni Shawn. Wala naman sa komedor, wala rin naman sa sala. "Ma'am, andyan na po pala kayo. Nasa labas po si Sir Shawn, sa may swimming pool. Doon na rin po siya nagpahanda ng meryenda niyo," sabi ng matandang babae na marahil kasambahay. "Ah, sige po, salamat po," magiliw na sagot niya at tinahak ang daan palabas, papunta sa swimming pool. Hindi naman ito ang unang beses niyang makapasok sa mansyon ng mga Alvarez, pero hindi pa rin siya pamilyar sa mga pasikot-sikot ng mansyon. Paglabas niya, agad niyang napansin ang paggalaw ng tubig na tila ba may lumalangoy roon. At ginala ang mga mata sa paligid, nakita niya ang mesa na may nakahandang pagkain pero wala roon si Shawn. Lumakad siya at muling binalik sa tubig ang mga mata at doon nakita niya si Shawn na lumalangoy. Nakita niya kung paano gumalaw ang malapad na balikat nito at naaaninag niya mula sa tubig ang paggalaw-galaw ng hubad nitong katawan. Kitang-kita niya sa ilalim ng tubig ang malaking tattoo nito sa likuran na halos sumasabay sa bawat paggalaw nito. Napalunok siya at tila bumagal ang paglakad niya habang nakatingin kay Shawn. "Kontrol Hainna, kontrol," bulong ng isip niya. Nang makarating sa mesa, agad niyang napansin ang maraming pagkain roon at may wine pa. Ano to? Nag-celebrate sila sa pag-uwi niya? O bibitayin na siya kaya pakakainin muna siya ng mga masasarap? Dumampot siya ng green grapes at sinubo yon bago lumingon muli si Shawn na saktong paahon na sa tubig. Napanganga siya habang nakatitig sa hubad na katawan ni Shawn. Tanging boxer short lang ang suot nito, at dahil basa umaapit roon ang masasabi niyang malaking p*********i ni Shawn. Tila siya nasamid nang masulyapan ang pang-ibaba ng asawa, at mabilis na hinila ang baso na may tubig at uminom. "Huwag kang parang maniac Hainna, ano ba? Masyado ka naman yatang sabik sa asawa mo," maktol ng isip niya. Humugot muna siya ng malalim na paghinga bago muling lumingon kay Shawn na papalapit na sa kinaroroonan niya, at tila itong modelo na naglalakad sa arawan at binibilad ang magandang pangangatawan. Winasiwas pa nito ang basang buhok na abot na sa balikat nito. "Oh God, help me to survive," muling bulong ng isip. At wala sa sariling dumampot muli ng green grapes, isusubo na sana niya yon nang biglang isubo yon ni Shawn mula sa kamay niya. Nagulat siya at napanganga na naman habang nakatingin kay Shawn na ngumunguya in a sexy way, na para bang nang-aakit, nangtatakam. Ano ba to! Parang nanadya. Imbes na yata siya ang mang-akit sa asawa, eh siya ang naaakit nito. "You want?" tanong niya at dumampot pa ng green grapes. "Why don't you join me, let's swim," anyaya nito, at sinubo muli ang hawak niyang grapes at naupo sa upuan. Napalunok siya at naupo na rin, paharap rito. "Kakatapos ko lang mag-shower eh," sagot niya. Dahil kung nagkataon, baka nga sasamahan niya ito sa paglangoy. Bakit kasi di nito agad sinabi kanina? Di sana nakapag-ready siya ng damit. Ang dami pa naman niyang dalang swim wear dahil alam niyang summer na sa Pinas, at nasa San Miguel siya kung saan naggagandahan ang mga beach. "I see," tanging sagot nito at nagsimula nang kumain. Gutom na rin naman siya kaya kumain na rin habang panay sulyap niya sa asawa na busy sa pagkain. Kanina lang para nanunukso ito, ngayon seryoso na naman. "Pwede ba tayong mag-dinner sa bahay mamaya?" tanong niya, habang hinihiwa ang garlic bread sa pasta. "Do you really want to go?" tanong nito na di man siya lilingunin. "Yeah," sagot niya habang nakasunod ng tingin sa bawat galaw ng hubad nitong katawan, habang tumutulo ang tubig sa magandang katawan nito mula sa mahabang buhok nito. Hindi lahat ng lalake binabagayan ang mahabang buhok, pero masasabi niyang kay Shawn bagay ang mahabang buhok. He looks tough and sexier, nakadagdag sa s*x appeal nito. "s**t, bakit ang hot niya? Bakit may kung ano-ano akong naiisip? Hindi ako maniac, hindi ako mahilig sa s*x, wala rin akong alam sa s*x, wala pa nga akong experience. Nakakainis naman," bulong ng isip niya habang di maalis-alis sa asawa ang mga mata. "If you want to go, we can go, but -" bitin nito sa sasabihin at sinulyapan siya. Nagulat pa siya nang magsalubong ang mga mata nila, dahil tila siya nahuli nitong nakatingin sa kanya at halatang pinagnanasaan niya ito. Nataranta tuloy siya at di alam kung saan titingin. "But - what?" "What I can get after the dinner?" "Ah, ano yon?" "Ano ang makukuha ko pagkatapos ng dinner? Pagkatapos ng pagpapanggap ko as a good husband of yours?" panlilinaw nito sa sinabi. At binitawan ang kubyertos at sumandal sa upuan, habang ang isang paa ay halos mag-abot sa kinauupuan niya. "Anong makukuha?" kunot noong tanong niya rito. "Hainna, hindi ako gumagalaw na walang kapalit. Ayokong magpanggap na asawa mo ngayong alam naman nating dalawa na hindi asawa ang turing ko sa iyo. Yes, ginagastusan kita ng malaki at binibigay ang lahat ng luho mo, pero alam mo na hindi asawa ang trato ko sa iyo." Napalunok siya sa sakit ng mga sinabi nito. Yon naman kasi ang totoo, alam naman niya yon. Bakit kailangan pa nitong ipaalala sa kanya? Alam naman niya ang lugar niya. "Anong trato mo ba sa akin?" lakas-loob na tanong niya. "One of my women," mabilis na sagot nito. Hindi na niya ikinagulat yon. Alam naman niya yon, isa lang siya sa mga babae ng asawa. Marahil tulad lang din siya ng babaeng kasama ni Shawn kanina. Ganoon lang din siya para kay Shawn. Ang kaibahan lang, dala niya ang pangalang Alvarez. Kung paano niya nakamit ang pangalang Alvarez ay isa ding alamat yon sa kanya. "Anong gusto mong gawin ko?" "Obey everything I want." "Obey everything you want?" kunot noong ulit niya sa sinabi ni Shawn. "Yeah, magkunwari tayong mag-asawa sa harap ng pamilya mo. I'll do my duty to satisfy your parents, ipapakita ko na naka-jackpot sa pamimikot ang anak nila." Tumikhim siya sa sinabi nito at tinapunan ng masamang tingin si Shawn. "I'll be a good husband sa harap ng pamilya mo, and you'll be a good submissive wife sa kama ko." Nanlaki ang mga mata niya sa narinig at muntik pa siyang mabulunan sa sinabi ni Shawn. Tama ba ang narinig niya? "Submissive wife?" tanong niya. "Come on Hainna, you're not naive, so I know, you know what I mean and what I want," sagot nito. Napalunok siya at tila may kakaibang nararamdaman sa bawat salita nito. "In 1 month, you stay here sa mansyon as my wife. We can pretend we love each other sa mga taong kakilala natin na normal ang pagsasama natin. After 1 month, you can go wherever you want. You can use my money as you want, tulad ng ginagawa mo ngayon. Just one thing," putol nito sa sasabihin at tumayo mula sa kinauupuan. Lumapit sa kinauupuan niya. Huminto mismo sa harapan niya at nababasa siya ng tubig mula sa katawan nito. Binalewala niya yon at tiningala ang napakagwapong asawa at napaka-arogante. Bakit ganon? Hinawakan siya nito sa baba at nagyuko ito ng ulo upang maramdaman niya ang mainit na paghinga nito sa kahiblang layo lang ng mga labi nila. Napaawang ang mga labi niya at tila siya naghihintay ng anumang mangyayari. "Don't let other man touch you as long as you carry my name. Once na ginawa mo yon, I'll kill you Hainna," may pagbabanta sa tono nito. At bago pa siya makasagot, nasa mga labi na niya ang mga labi ni Shawn. He is kissing her gently, softly, teasing her. At nadadala siya. Pakiramdam niya tila siya kandilang unti-unting nauupos, nanlalambot ang mga tuhod niya sa bawat galaw ng mga labi nito sa mga labi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD