Kinagabihan naghanda s'ya ng hapunan ng asawa. Wala ang Mama ni Shawn out of town kasama ng mga kaibigan nito, kaya sila lang ni Shawn ang kakain sa bahay. Nagluto s'ya ng sinigang na baboy, nais kasi n'yang makahigop ng mainit na sabaw ang asawa. Nang marinig ang sasakyan nito sa labas, agad s'yang tumakbo para salubungin ang asawa sa may pintuan. Excited na rin s'yang masilayan ang gwapong mukha ng asawa. "Good evening Shawn," bati n'ya sa asawa. "Good evening" malamig na tugon nito. "Kumain ka na ba? Nagluto ako ng sinigang na baboy," masiglang sabi n'ya. Habang nakasunod sa asawa. Tumigil ito sa paghakbang at liningon s'ya. "You know what Hainna? You should stop doing all these!" Sabi nito, napakunot ang noo n'ya at hindi s'ya nakakibo. "Stop, acting like a perfect wife! Dahil