Elise Kahit gaano pa kasakit ang pinagdaanan natin sa buhay. Kahit gaano pa tayo pinahirapan ng mundo, hindi dapat tayo mawalan ng pag-asa at mawala ang ngiti sa ating labi. Kahit na kasuklaman ka man ng buong mundo, taas noo ka pa ring lumakad at harapin ang mga taong nais kang hilahin pababa, dahil ang pinaka masakit na bagay na maaari nating ipakita sa mga taong nangahahamak sa atin ay pagngiti. Ipakita mo sa mga taong ito na masaya ka. Kahit na nahihirapan ka, ipakita mong nakangiti ka dahil ito ang isang bagay na mas lalong magpapasilab ng galit sa kanilang puso. Galit at inggit na hindi nila nais aminin. *** Wala kaming sinayang na oras ni Marco at agad naming inasikaso ang pag-book ng flight patungong Paris. Isang hotel ang aming ni rentahan at doon nanatili. Sa pagtapak ng akin

