Elise GAANO kasarap ang mabuhay nang walang iniisip na problema? Gaano nga ba kasarap ang maging isang ina at bumuo ng isang pamilya? Kung ako ang tatanungin, hindi ko rin alam. Hindi kasi natin masasabi na perpekto ang isang buhay. Marahil, masarap sa pakiramdam, masaya, ngunit lagi nating tatandaan na hindi lang kasiyahan ang ating mararamdaman sa buong journey ng ating buhay. May galit, sakit, lungkot, at kung ano-ano pang bagay. *** "Elijah, wait!" sigaw ni Marco na ngayon ay naghahabol sa aming anak. Ilang buwan na rin ang lumipas simula nang matapos ang one year old party ni Elijah at ang pag-anunsyo ko sa second child namin ni Marco. Marami ang nagulat ngunit marami rin ang nag-congratulate sa aming mag-asawa. Ang iba pa nga ay nagpadala pa ng advance gift sa amin. Dumalaw din k

