Andrea HINDI ko maiwasang hindi makinig sa usapan ng dalawa. Sa mga oras na iyon, alam ko na agad na si Samantha ang kausap ni Bryan. "Alam mo, ikaw! Hindi ko na alam kung seryoso ka pa sa 'kin! Nangako ka na pakakasalan ako, hindi ba? What now, Bry?" sunod-sunod na sigaw ni Samantha. "Just give me a few time, Sam. 'Wag kang magmadali," tugon ni Bryan. Halata sa kanyang tinig na iritable siya sa mga naririnig. Habang nasa loob ako ng closet, nilingon ko ang aking ulo sa paligid at may nakita akong maliit na silipan malapit sa pinto. Dahan-dahan kong nilapit ang aking mata at tiningnan ang dalawa mula rito. "Just tell me kung ayaw mo na," iritableng wika ni Samantha kay Bryan. Isang buntonghinihga naman ang ginawa ni Bryan at marahang nilapitan si Samantha habang nakatalikod ito sa k