"I like the idea, pero kahit ihatid pa ako ni Lance ngayon ay hindi rin pwede. Magagalit sina Mama at Papa kapag nalaman nilang hindi si Rem ang kasama ko pag-uwi. Siguradong grounded na naman ang aabutin ko sa kanila." nakangusong sagot ng dalaga. "Wooh! Wow! Strict ng parents mo ah," sagot ng kanilang mga kaibigan. "Alam niyo naman na mga old-fashioned 'yong mga magulang ko. Mabuti nga at wala ang mga kuya ko. Kung hindi, malamang ay nandito ang mga iyon ay binabantayan ako," sagot ni Dorren at saka ngumuso pa. Hagikhikan silang lahat sa sinabi ni Dorren maliban kay Rem na masyadong seryoso sa may tabi. Kung anu-ano pa ang mga pinag-usapan ng mga ito hanggang sa hindi na makatiis pa si Rem at tumayo na ito. "Dorren..." tawag-pansin niya sa dalaga na busy pa rin sa pakikipagtawanan