Dinala ng dalagang si Dorren ang kanyang kaibigan sa silid nito sa hindi malaman na dahilan ni Rem. Habang busy ang dalaga sa paghahalughog sa dala nitong mga gamit ay nakatingin lamang si Rem. "Ano ba ang hinahanap mo diyan?" Nagtatakang tanong ng binata. "Sandali. Nandito lang iyon eh. Just sit down there, okay." Sagot ni Dorren sabay turo nito sa sofa na naroon sa may side ng room ng dalaga. Hindi mapakali si Rem kaya lakad siya ng lakad. "Pwede ba, maupo ka muna. Ako ang nahihilo sayo eh." reklamo ng dalaga. Sumunod na lang rin si Rem sa utos ng dalaga at umupo na habang pinagmamasdan pa rin ang dalaga. "Here it is!"bulalas ni Dorren. Isang maliit na bag ang kinuha nito at dinala iyon sa mga tabi ni Rem. "Ano 'to?" Naguguluhan na tanong ni Rem. "Buksan mo na kasi, huwag ka n