Ako at Si Prinsipe Yago Book 2 AiTenshi May 5, 2018 Part 11 "Dalawang hakbang pasulong! Ilagay ang kalasag sa harapan upang hindi kayo matamaan ng pag atake ng kalaban! Maging alerto rin kayo sa mga pag atake sa inyong mga gilid." ang malakas na wika ni Abel habang itinuturo ang tamang pag depense sa aming sarili. Halos ilang linggo na rin kami rito sa himpilan ng mga kawal. Sa mga nag daang araw na ito ay marami kaming natutunan at habang tumatagal ay nag kakaroon kami ng kaalaman at lakas ng pangangatawan upang ipag tanggol ang aming mga sarili partikular ang aming lupain. Pinag halong saya at hirap ang aming mga pag sasanay kaya naman ang lahat ay nag susumikap upang makasabay. "Nasaan si Nedriko? Ipinapatawag ka sa palasyo ngayon rin." ang wika ng isang kawal galing