Ako at Si Prinsipe Yago Book 2 Season 2 AiTenshi June 3, 2018 Habang nasa ganoong posisyon kami ay nag salita muli ang opisyal sa bulwagan. "NAPAKA SWERTE NG ATING GABI NGAYON DAHIL PINAUNLAKAN TAYO NG ISANG NAPAKA ESPESYAL NA PANAUHIN. Mga kaibigan, ang kaganapang ito ay minsan lamang maganap sa loob ng maraming siglo. Siguro ngayon gabi ay matutuldukan na ang alitan sa pagitan ng dalawang kaharian at mula ngayon ay magaganap na ang isang malaking pag babago tungo sa kaunlaran! MGA KAIBIGAN! TAYO AY MAG BIGAY PUGAY SA HARI NG BERANDA!" ang malakas na wika ng opisyal. Yumuko ang lahat.. Si Yago ay napatayo sa kanyang kinauupuan. Bakas na bakas sa kanyang labi ang matinding pag kagalak dahil hindi niya inaasahan ang pag papaunlak ng kalabang kaharian. Si Yumi naman ay taas n