Ako at Si Prinsipe Yago Book 2 Season 2 AiTenshi June 2, 2018 "Master, ano ang plano mo?" ang tanong nila. Humarap ako sa kanila at itinikom ko ang aking kamao. "Mabigat ang kanilang inutang, kaya't mabigat rin ang kabayaran. Ang lahat ng may kasalanan ay mananagot. Lintik lang ang walang ganti!" ang seryoso kong sagot sabay sakay sa karwahe. Part 27 Sa pag lipas ng mga oras, araw at linggo tila yata hindi humuhupa ang aking pag ka uhaw na makaganti sa mga taong nanira at nag bigay ng malaking sugat sa aking buhay. Sa bawat sandaling lumilipas ay hindi nawawaglit sa aking dibdib at isipan ang matinding galit at pag suklam sa tuwing naalala ko ang mga pangyayaring iyon. Sa tingin ko ay wala akong pag asang matahimik na parang isang kaluluwang ligaw na patuloy mag