Ako at si Prinsipe Yago Book 2 Season 2 May 30, 2018 Hinawakan niya ang aking braso at inalalayan sa pag tayo. Kasabay nito ang pag lapit ng lahat ng tauhan sa palasyo kabilang na ang daang kawal na nag tipon tipon sa harap nito. Para bang ang lahat ay hinihintay ang aking pag dating na hindi mo mawari. Maya maya nag salita ang hari. "Ako ang hari ng Beranda at ikinararangal kong sabihin sa inyo na dumating na ang aking taga pag mana!" ang malakas na salita niya. At ang lahat sa kaharian ay yumuko at nag bigay pugay sa aking harapan. Hindi ko lubos maunawaan ang nangyayari kaya naman wala akong ibang nagawa kundi ang luminga linga at na para bang pilit nag tatanong sa aking sarili kung paano umabot sa ganito ang lahat. Tuloy pa rin ang palakpakan ng lahat.. Part