Ako at Si Prinsipe Yago Book 2 Season 2 AiTenshi May 21, 2018 Part 19 "Nag babadya ang malakas ang ulan, ang mabuti pa ay sumilong na muna tayo doon sa kwebang iyon malapit sa paanan ng bundok!" ang wika ni Kenny sabay patakbo sa kanyang karito. Ito na ang ikatlong araw namin sa pag hahanap ng matitirhan. Mayroon kaming nadaanang bayan ngunit puno na ang mga ito, walang bakanteng silid kaya naman wala kaming ibang pamimilian kundi ang mag palipas ng gabi sa kariton. Nilalagyan na lamang namin ito ng tabing o harang upang hindi kami masyadong lamukin. Sa mga nag daang araw ay humupa na rin ang sigalot sa pagitan ng Beranda at Hokunya ngunit batid namin na nag sisimula pa lamang ang mag pasiklaban ang dalawang kaharian. "Mabuti nalang nakasilong tayo agad bago bumagsak an