Ako at Si Prinsipe Yago Book 2 AiTenshi May 19, 2018 "Ang ginagawa natin ay nangangahulugang kataksilan. Kasalanan ito sa ating mga asawa at anak." "Wala akong paki, gusto kong maging masaya kahit minsan lang." sagot niya sabay yakap ng mahigpit sa akin. Lalo lamang gumulo ang aking isipan. Ngayon ay napag tanto na mas lalong lumala ang sitwasyon. Inaamin ko na masaya rin ako ngayong gabi ngunit may kung anong kaba ang bumabalot sa aking dibdib. Tila ba nag babadya ito ng masalimuot na hinaharap para sa akin at para sa mga tao sa aking paligid. Part 17 "Lucio! Beth! Tumakbo na kayo! Nasusunog ang bahay! Bilisan ninyo!!" ang sigaw ko habang pilit na inaalis ang mga harang sa paligid upang mabigyang laya ang aming pag laba