Ako at Si Prinsipe Yago Book 2 AiTenshi May 13, 2018 Part 15 "Kamusta ang inyong bakasyon? Nag saya ba kayo ng husto? Dapat lang dahil baka iyon na ang inyong huling pag kakataon na magiging masaya kayo." ang panimula ni Abel noong makabalik kami sa himpilan. "Ganun po ba? Eh uwian na!" ang sagot naman ng iba. "Biro lang naman. Kaya ko nasabi iyon ay dahil kinakailangan na nating apurahin ang pag eensayo dahil ayon sa ating impormante ay aatake na ang mga kawal ng kahariang Beranda sa inyong lupain sa susunod na dalawang buwan. Pati sila ay nag hahanda na rin upang itumba kayong lahat lalo't napag alaman na nila na naki alam ang Hokunya sa sitwasyon." sagot ni Abel "Paano iyan?" ang nangangambang tanong ng iba. "Ang pakikialam ng kaharian ni Prinsipe Yago sa sitw