ZHAINA'S POV ILANG ARAW ang nagdaan matapos mangyari ang incidente sa dormitory building. Makakahinga na rin ako sa wakas dahil wala nang kababalaghan sa loob ng kuwarto ko. May pumalit na din sa puwesto ng dati naming landlady, mabait at approachable siya kaya no worries. Naglalakad ako papunta sa main building nang biglang may tumawag sa aking pangalan kaya ako'y napahinto at lumingon. "Oy! Si Ms.Yoshida!"sigaw ng lalakeng estudyante. "'Yong sikat na artista ng Japan?" "Ang ganda niya pala." Ang kanilang mga mata ay kumikintab na parang inaakit ng ginto. Napaatras ako no'ng sila'y lumapit sa akin. I need to hide! Tumakbo ako sa isang kanto para magtago. Buti na lang nilagpasan lang ako. Akala ko pa naman katapusan ko na. Nagsimula akong maglakad dahil ma-la-late na ako pero sa 'd