Jessie’s POV Ilang minuto na mula nang makarating kami ni Cindy sa loob nitong club at pansin kong unti—unti na ring dumarami ang mga taong nandito. Sa pagkakaalam ko ay lahat sila ay kabilang sa pagtitipon na ginaganap ngayon dito sa loob. Sa pagkakaalam ko ay lahat sila ay co-investors nitong kaibigan ko at konektado sa kompanya ni Mr. Mendez. Maraming tao na ang namataan ko sa loob nitong club ngunit hindi doon nakatuon ang aking atensyon kung hindi sa buong mesa nitong inuupuan namin. Hindi ko pa nalibot ang kabuuang sulok ng mesa kung nasaan kami ngayon ni Cindy. Wala akong pinapalampas, bawat taong nandito sa mesa na ito ay masuyo kong tiningnan, mula sa pinakamaliit ng detalye ng kanilang pagmumukha. Medyo madilim itong kabuunang club kaya hindi ko malinaw na mamataan ang ang mukh