Chapter 4

825 Words
"Knock, knock..." ganito palang pampalipas-oras ang inaalok sa kaniya ni Klyv kanina. At hindi maipagkakailang aliw na aliw si Vassyleen dahil kanina pa siya tawa ng tawa sa kapilyuhan ng binata.        Magkatabi pa rin sila noong nakaupo habang natatakpan ng suit nito ang kaniyang mga hita.           "Who's there?" Excited na tanong ni Vassyleen. Sigurado kasing nakakatawang joke na naman ito.           "Hipag."          "Hipag who?"           Kumanta si Klyv." Hipag-patawad mo ako, aking kapangahasan. Binibini ko, sana'y maintindihan. Alam kong ngayon lang tayo nagkatagpo. Ngunit parang sa'yo, ay ayaw ng lumayo. Ipagpatawad mo, ako may naguguluhan."         Napamaang si Vassyleen. Parang binundol ng sanlibong kaba ang kaniyang puso. Okey na sana kung kanta lang, eh. Pero iyong tipong tititigan siya nito ng malagkit na animo'y hinaharana. Sinisira nito ang kaniyang buong sistema.           Alam kong ngayon lang tayo nagkatagpo. Ngunit parang sa'yo, ay ayaw ng lumayo. Ipagpatawad mo, ako may naguguluhan. Pag-uulit niya ng kanta sa kaniyang isip.           "Ano ang score ko? Sweet o corn?" Untag sa kaniya ni Klyv. Bago kasi sila mag-umpisa kanina ay pinag-usapan nilang bigyan ng score ang punchline ng isa't-isa.         "Sweetcorn..." pigil ang kilig na tugon ni Vassyleen.             Kumunot ang noo ng binata. "Bakit dalawa?"          "Kasi corny, pero sweet."          Sa gulat niya ay napasuntok ito sa ere dahil sa sobrang tuwa na animo'y bata. But wait, he was the man in suit yet the coolest guy she had ever met.           "Nakatama din sa wakas..." hindi mawala-wala ang matamis na ngiti sa labi nito na bahagyang pumihit paharap sa kaniya.         Sinabayan niya ito ng tawa hanggang sa magtama ang kanilang mga mata. Pero dahil hindi niya matagalan ang tila nanlulunod nitong mga tingin,  kaya dahan-dahan siyang yumuko, At saktong lumanding iyon sa nakangiting mga labi ni Klyv. What a killer smile is it? Darn! She shouldn't have done that. Lalo lang tuloy tumambol ang kaniyang puso.         Kinailangan niyang gumawa ng paraan bago pa man siya ipahamak ng nababaliw na niyang isip. "P-pinulikat na yata ako. Tatayo naman ako."         Ngunit bago pa man niya tuluyang maiangat ang kaniyang katawan ay nauna ng tumayo ang binata. Pinagpagpag nito ang dalawang kamay bago iniabot sa kaniya.         Hindi na nagdalawang-isip pa si Vassyleen na abutin ang kamay nito dahil totoong nangawit na ang mga binti niya. Pinatotohanan niya iyon nang muntikan na siyang bumuwal. At katulad kanina, sinalo ng maagap na kamay ni Klyv ang kaniyang likod-habang ang isa ay mahigpit na nakahawak sa kamay niya.        Nabigyan tuloy ulit sila ng pagkakataon upang mapagmasdan ang mukha ng isa't-isa. Tuluyan ng nasira ang sistema ni Vassyleen nang ilapit ni Klyv ang katawan niya dito. Halos amoy na amoy na niya ang male scent na gamit ng binata.         Mapapapikit na lang ang dalaga nang biglang bumukas ang elevator. Sabay silang napatingin ni Klyv sa pintuan.  Tumambad sa kanila ang isang kumpol ng mga bisitang nag-aabang sa labas ng elevator. Halos sabay pang napa-'oh' ang mga ito at iisa ang reaksiyon ng mga mukhang takang-taka sa nakita.          Nahihiya siyang bumitaw kay Klyv-na tila walang balak bitawan ang kaniyang kamay.           Napanganga si Vassyleen nang lapitan ito ng mag-asawang Foreman at tawaging 'anak'. Ni hindi niya naisip kanina na kapangalan pala ito ng presidente ng FH na si Klyv Nicholas Foreman.           Ang lakas pa man din ng loob niya kanina na pagkamalan itong simpleng  empleyado.          Maya-maya'y nagulat ang dalaga nang hilahin siya ng ka-trabahong si Therese-palayo sa mga bisita.          "Ikaw, ha. Hindi mo naman sinabi sa'kin na magkakilala pala kayo ni Sir Klyv." Puno ng excitement na saad nito.         "Ha? Hindi kami magkakilala. Ngayon ko nga lang siya nakita, eh."          "Ano? Eh bakit kayo magkasama sa elevator."           Ikinuwento niya kay Therese ang pangyayari. Kilig na klig ito na kung hindi pa niya naagapang takpan ang bibig ay baka napatili pa. "Grabe, friend! Alam mo, naiinggit ako sa'yo. Kasi ang tagal-tagal ko ng nagtarabaho dito pero ni minsan ay hindi pa ako nayakap ni Sir Klyv.Tapos ikaw, kakaumpisa mo pa lang pero kumota ka na agad sa kaniya."           Natatawa na lang niya itong kinurot sa tagiliran. "Anong kota ang sinasabi mo diyan? Sira ka talaga!"          "Ah basta. Nakakainggit ka. Sa telenobela ko lang napapanood ang ganong eksena, eh. Malay mo kayo pala ang itinadhana."           "Tse! Tumigil ka nga diyan. Baka mamaya marinig ka pa. Nakakahiya."          Wala siyang kamalay-malay na ang gabing iyon pala ang simula ng pagkakaibigan nila ni Klyv. ----LADY J.----
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD