CHAPTER 41: Decision

1893 Words

Jheimwel Rain "Ilang taon ka na?" nakangiting tanong sa akin ni ate Lorna. "Kaka-twenty ko pa lang po noong nakaraang linggo lang," nahihiya ko pa ring sagot sa kanya. "Wow! Talaga? Belated happy birthday kung gano'n." Mukhang nagulat naman siya. Binuksan niya ang takip ng maliit na kawaling nakasalang sa apoy at kaagad ko namang nalanghap ang napakabangong amoy ng niluluto niya. "Salamat po. Ano po 'yang niluluto niyo?" Kaagad akong lumapit sa kanya at sinilip ang niluluto niya. "Ginataang saging na may langka. Nakatikim ka na ba nito?" "Wow! Marunong din akong magluto niyan!" "Talaga?" Napatitig din siya sa akin habang may nanlalaking mga mata. "Mahilig kasi 'yong tatay ko sa ginataan kaya nakahiligan ko na rin ang magluto ng gano'n, mapa-ulam man o mirienda katulad ng saging."

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD