Jheimwel Rain Umaga na nang ako ay magising. Maliwanag na sa labas pero mukhang wala pa namang araw. Napalinga ako sa paligid at sa tabi ko. Wala dito si Darren. Hindi ba niya ako tinabihan sa pagtulog? Kaagad akong bumangon at lumabas ng silid ko. Tahimik pa rin ang buong paligid. Wala akong naririnig na kahit anong ingay sa ibaba. Lumapit ako sa pinto ng silid niya at dahan-dahan itong binuksan. Sumilip ako sa loob at natanaw ko siyang mahimbing pa ring natutulog sa kama niya. Kaagad akong napasimangot. Hindi niya ako tinabihan. Bumalik ako sa silid ko at nagtungo sa banyo. Umihi ako, naghilamos at nag-toothbrush ng mga ngipin ko bago ako nagpatuyo gamit ang tuwalya. Ilang ulit kong inamoy ang hininga ko. "Hmm, ang bango na!" Hindi ko mapigilang kiligin sa sarili ko. Muli ak