[Ysa] Pasalampak akong naupo sa sofa habang hinihintay kong ilagay sa kahon iyung dalawang gown na isusuot ko para sa debut ko. Nandito kami ngayon ng barkada sa waiting area ng boutique ni Ninang Pepper. Siyempre, kung may gagawa ng mga gowns na isusuot ko sa debut ko ay walang iba kung hindi si Tita Pepper. Isa pa, promise kaya sa akin ni Zyrus iyon nung mga bata pa kami. Na ipagpapagawa niya ako ng mga gown sa Nanay niya. Iyun nga lang, imbes na tatlo ay dalawa lang ang gown na ginawa sa akin. Sabagay, aanhin ko ba ang maraming gown kung isang gabi lang naman isusuot? Linggo ng hapon ngayon, at kagagaling lang namin nila Bettina, Claudette at Farrah sa mall. Sinamahan ko silang bumili ng mga accessories na gagamitin nila para sa debut ko sa Thursday. Nag-l