[Zyrus] “My loves?” "Hmmm?” Tumayo si Ysa mula sa pagkaka-upo niya, at saka lumipat sa kinauupuan ko. Doon siya naupo sa pagitan ng mga hita ko, at saka isinandal ang katawan niya sa katawan ko. Amoy ko tuloy ang mabangong buhok niya. "Paano mo nalasing si Daddy? Ang taas ng alcohol tolerance nun.” “Aba, malay ko kay Tatay, Tito Judd at Tito Adam kung anong ginawa nila.” "Eh, bakit ikaw? Hindi ka nalasing?” tanong ni Ysa, sabay tingala sa akin kaya naamoy ko ang mabango niyang hininga. “Hindi ko naman iniinom lahat nung tinatagay sa aking alak ni Tito. Pasimple kong itinatapon sa buhangin.” “Ikaw ha… dinaya mo si Daddy…” Bahagya akong natawa sa sinabi ni Ysa, kasi kahit papaano ay may katotohanan