AMMENDING

1103 Words

[Ysa]           Padaskol kong pinulot ang remote control ng TV at saka naiinis na pinatay iyung pinapanood kong balita.         Kanina lang ay halos itapon ko iyung laptop ko nang magbukas ako ng social media account ko. Kung bakit naman kasi sumunod pa ako kay Bettina na mag-browse sa internet at manood ng mga balita! Eh di sana, hindi ako naiinis ngayon. Minsan talaga, hindi ako dapat nakikinig agad sa mga pambubuyo ni Bettina!         Paano ba naman, basta kapag tungkol kay Zyrus, natataranta ka.         Okay. Ako na ang dakilang tanga sa pag-ibig.         Alam ko namang abala si Zyrus ngayon sa pag-aasikaso sa mga naapektuhan nilang hotel resort, at sa mga empleyado nila. Nabanggit din niya nung nakaraan na tutulong din sila sa mga lugar na naapektuhan ng pagsabog ng Bulkang Taa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD