[Zyrus] Palihim akong napangiti, habang nakatingin sa kumakaing si Ysa. Isa sa mga kinatutuwaan ko kay Ysa kahit noon pa ay ang pagkamagana nito sa pagkain. Ang maganda pa sa kanya, hindi siya tumataba kahit na marami siyang makain. “The best talaga ang Tempura,” narinig kong komento ni Ysa, pagkalapag niya ng wala nang laman na plato sa gitna ng mesa namin. Pang-ilang order ko na ba iyon ng Tempura mula kanina? “Ang lakas mo talagang kumain, ‘noh?” sabi ko sa kanya, kaya tuloy nag-angat siya ng tingin sa akin. “Ang sarap kaya ng libre!” Napailing na lang ako. Idinahilan pa ang panlilibre ko. Eh, kahit naman kapag Saturday get-together namin, at sa bahay nila, natural na lang sa kanya iyong pagkain nang marami. Pasimple ko uling pin