Isang linggo na ang nakalipas pero hindi pa kami nagkita ni Lander. Kung dati ay araw-araw niya akong sinusundo sa school, ngayong week na ito ay hindi niya ako nasundo. Busy daw siya, sabi niya. Pero tuwing tatanungin ko naman kung anong pinagkakaabalahan niya ay kung anu-ano lang ang sinasabi niya sa akin. Nag-request tuloy ako kay Daddy ng personal driver. Naawa kasi ako sa sarili ko nung buong linggo na hindi ako sinundo at hinatid ni Lander. Kung kani-kanino na lang ako nakikisabay. Minsan sasabay ako kay Daddy papasok, minsan naman nagpapadaan ako kay Bettina. Sa uwian, minsan kay Bettina pa rin, or kung sino kay Farrah at Claudette. O dadaanan ako ni Mommy kapag nag-grocery siya o merong pinuntahan. Si Zyrus? Ayoko nang lumapit sa kanya. Obvious naman na hindi na a