[Zyrus] “Zyrus! Lumingon ako sa likuran ko. Nakita ko ang nakangiting si Patrick. Agad itong umupo sa katabi kong upuan sa bar counter. “Scotch on the rocks, please,” sabi nito sa bartender, na agad namang sinunod nito. "So, ano na namang problema mo kay Ysa?” baling nito sa akin. “Niyaya lang kitang uminom, problema na agad kay Ysa?” balik-tanong ko sa kanya. “Come on, Zyrus… hindi ka naman magyayayang uminom kung hindi si Ysa ang gumugulo diyan sa matalinong utak mo. Iyun nga lang, pagdating kay Ysa, nabobobo ka.” Napailing ako sa sinabi niya. Totoo naman kasi. Pagdating kay Ysa, nawawala iyung sound judgement ko. Hindi ko ma-confirm sa sarili ko kung totoo ba ang ipinapakita sa akin ni Ysa o pinaglalaruan niya lang ba ako.