[Ysa] “Yoseph, Ipa-ready mo na kay Cesar iyung Alphard. Iyon ang gagamitin natin papunta sa event ni Vargas.” “Daddy? Kay Zyrus nga ako sasabay, di ba?” Matalim akong tiningnan nito. “Sasabay… gusto mo na namang tsansingan si Zyrus.” Nanlaki ang mga mata ko. Bakit ba parang nahuhulaan na ni Daddy ang mga plano ko? “Daddy naman, eh,” reklamo ko. “Don’t worry, Dad. Sa kanila na lang ako sasabay,” nakangiting singit naman ni Yoseph. Palihim na umikot ang mga mata ko. If I know, hindi naman talaga siya pupunta sa party ng mga Vargas. Hindi ko alam dito kay Yoseph kung anong pinagkakaabalahan. Bihira ko na lang ito makita dito sa bahay namin. Kapag tinanong mo naman, busy daw siya dun sa bagong gasoline station ng AMCO. “Good! I