Hindi pa natatapos ang buong klase sa maghapon ay natanaw ko na kaagad si Rhyan sa corridor. Kaagad na lumakas ang kabog ng dibdib ko at na-excite na matapos kaagad ang klase. Tinanaw niya ako sa bintana at kinindatan bago siya sumandal sa railings ng corridor. Iyon pa rin ang suot niyang long sleeve na medyo gusot na at nakalilis ang mga manggas nito hanggang siko niya. Samantalang ang black coat niya naman ay nakasampay sa kaliwa niyang balikat. Nag-init ang pisngi ko at kaagad na bumaling sa unahan kung saan naroroon pa si Prof at nagdi-discuss. "Sana all, kinikilig." Nanlaki naman ang mga mata ko at mabilis na lumingon sa kaliwa nang marinig ko ang sinabi ni Chloe na hanggang ngayon ay naririto pa rin sa aking tabi. Si Rijhen naman ay kasalukuyan pa ring nasa aking likuran. Mahi