"Anong ginagawa niyo?! Bakit ang kalat-kalat?!" gulat na sigaw ni mommy Avriah sa aming dalawa at tila hindi siya makapaniwala habang umiikot siya sa loob ng aming silid. Bigla kong naibaba ang hawak kong unan at matinding hiya ang naramdaman ko sa sarili ko. Mabilis namang bumangon si Rhyan at niyakap ako ngunit pinagpalit niya lamang ang pwesto namin at maingat pa rin niya akong naihiga sa kama bago siya bumangon. "We just had fun, Mom. Lilinisin din naman eh," pangangatwiran ni Rhyan sa kanya habang pakamot-kamot sa ulo niya. "S-Sorry po, mommy." Halos takpan ko na ang mukha ko sa sobrang hiya. Ako pa man din ang naabutan niyang nasa ibabaw ni Rhyan at saktong ihahampas ko sa kanya ang unan! My Ghad! "Ipalinis niyo na lang 'yan sa maids. Bumaba na kayo dahil naririyan na sa baba an