Hindi ko alam kung bakit pumapasok pa rin sa isipan ko si Blake kahit anong gawin kong pagtutuon sa iba ang aking pansin. Halos sa negosyo namin ibinuhos at panahon at oras ko pero heto pa rin at nalulungkot ako. "Anak, magpahinga ka muna," tinig ng aking ina, maharil ay napansin nitong wala aking sigla maghapon. "Alam kong mahirap siyang kalimutan pero magagawa mo 'yan," pagpapalakas nito ng aking loob. Matipid akong ngumiti kay inay at iniwan ito sa kusina, magpapahangin lang ako sa balkonahe, inay," paalam ko rito. "Huwag kang lalabas anak, ha, hindi ka pwedeng mahamugan at baka magkasakit ka, mahirap na lalo na't buntis ka," paalala pa sa 'kin ni inay. "Opo, inay, mamaya lang din ay matutulog na ako," saad ko habang minamasahe ang aking batok. "Mabuti pa nga anak, kailangan mo ng