Nagulat sina Renz at Gwen nang mapagbuksan si Ruth na tila galit na nakatingin sa kanilang dalawa. "Ate?!" gulat na tinig ni Renz sa kapatid. "A-Akala ko ba'y sa makalawa ka pa babalik?" anang pa nito. "Well, when you call me at sinabing kasama mo si Gwen, I cancel all my client and flew back to Philippines," saad ni Ruth saka bumaling kay Gwen. Naramdaman ni Gwen na may kakaiba sa tingin ng kaibigan sa kanya. "Renz, can you with me for a bit," ani Ruth dahilan upang alanganing tumingin siya kay Gwen saka sumunod sa kapatid. Nang makalapit sa ate niya ay agad siya nitong sinita. "What do you think you're doing?" baling nito sa kapatid. "Nothing," giit naman ni Renz. "Kilala kita, Renz at nakasalubong ko sa labasan si Bianca, galit na galit siya dahil kasama mo raw ang babaeng ipina