"Pre, may napulot akong sim-card sa likod ng bahay baka may makukuha tayong ebidensya nito." At inabot ni Darwin ang sim-card kay Shukai. "Good! Diretso muna tayo sa munisipyo kukuha tayo ng permit para mahukay natin ang bangkay. "Okay, pre." Martin replied. Timawagan rin ni Shukai ang kaniyang kaibigang doctor at pinapasunod niya ito sa sementeryo. Upang makakuha ng sample sa ari ng biktima. Alang-alang sa kai Bailo gagawin ni Shukai ang lahat dahil gusto niyang makabawi sa kaniyang asawa. "Pre, pinapatanong pala ni Farrah, kung kailan ang binyag ni Zhuyen?" Darwin asked. "Hindi pa namin napag-uusapan ni, Bailo. Pero tatanungin ko mamaya, pre." "Okay, pre. Dahil uuwi raw siya sa binyag." "Kayong dalawa, kailan ba ninyo balak mag-asawa? Para namang may kalaro ang Zhuyen namin.