Ano ba naman 'yan. Alas dose na nang madaling araw hindi pa rin makatulog si Feia. Tiyak na puyat na naman siya nito. Paano ba naman kasi yung lalaking iyon kung ano anong pinagsasasabi sa kanya. Hindi tuloy siya makatulog. Flashback..... "You have an angelic voice, I love it... I- I mean nagustuhan ko, basta maganda." Tila ba nahihiyang sabi nito. Hindi ko akalain na pupurihin ako nito. "Btw thank you sa kanina." Hindi siya nakasagot agad. He loves my voice. Her angelic voice. "Pinupuri mo ba'ko?" Halip na sabi niya sa dami ng sinabi nito kanina. Namula ang pisngi nito, ni hindi ito makatingin sa mga mata niya animo nahihiya ito sa kanya. "No!! I'm not!" Mabilis na sagot nito. "Bye," anito sabay alis ni hindi man lang siya nito hinayaan na makasagot. Papasok na sana si Feira sa