Maganda ang gising ni Feira. Inayos niya ang kama niya pagkatapos ay pumasok siya sa bathroom. Agad siyang naligo, pagkatapos ay pumasok siya sa walk in closet niya para magbihis. Pinili niya na suotin ay isang puff sleeve off-shoulder knit top at isang pares ng black high waist jeans. Buti nalang at may mga jeans at high waist sa closet niya. Yun nga lang walang mga T Shirt. Mas comfortable siya magsuot ng Tshirt at jeans. She remembered her necklace. She took it and put it on her neck. Pinagmasdan niya iyon sa salamin sa harap niya bago ipasok sa loob ng damit niya. Pagkatapos niya mag-ayos ay lumabas na siya saka kinuha ang cellphone. Feira looked at her cell phone if there was any text from her best friend. At meron nga, binuksan niya iyon saka binasa. From: Bella How dare you not