Chapter 4

2364 Words
Tahimik sa loob ng sasakyan, walang may gusto magsalita sa kanila. Pasulyap sulyap lang si Feira sa lalaki sa tabi niya. Ang awkward sa loob nang kotse nito... "Don't look at me like I did something wrong." Masungit na sabi ni Ryder sa kanya. You did something wrong, gusto niya iyon sabihin sa lalaki pero pinigilan niya ang sarili niya. She sighed. "Saan ba kasi talaga tayo pupunta?" "Eat and after that we will go to our house." House? As in bahay nito? What the hell! "What?! Anong gagawin ko sa inyo," gulat na tanong niya dito. Tumingin ito kanya at agad din binalik ang tingin sa harap bago sumagot sa kaniya. "Meet my parents," tipid na sagot nito sa kanya. Wth!! Hindi nga sila close tapos may pa-meet the parents na agad. f*****g tape. Bakit bigla bigla na lang ito mantatangay tapos sa bahay pa dadalhin. Hindi siya ready... "Explain mo kaya sakin, hindi yung ang tipid tipid mo magsalita hindi ko tuloy maintindihan yung ibig mong sabihin. Explain mo yung mahabang mahaba." Sabi niya dito habang nakatingin sa lalaki na nagmamaneho at sumenyas pa rito ng mahaba. Umiiwas siya ng tingin ng pumasok sa isip niya na ang pangit pakinggan nang sinabi niya. Ang green minded mo, Feira!!! "Ano ba gusto mo ipapaliwanag ko? Na mahabang mahaba," pang aasar nito sa kanya. Ginaya pa nito ang ginawa niya. Buwiset na lalaki 'to. She rolled her beautiful eyes. "Just explain why you would take me in your house because I don't have any idea why you would do that." Hindi na kasi niya alam ang sasabihin o sasagot niya dito, I mean ni hindi nga niya alam kung anong plano nito at may ganito pa itong nalalaman. Sinamaan siya nito ng tingin. "Because you're stupid." Bulong nito pero rinig na rinig naman niya. Siya na nga itong dadalhin na lang biglaan sa bahay nito siya pa ang sinasabihan ng stupid. Aba! Talaga naman. Jerk! "Wag kang bulong ng bulong rinig ko naman." Ani sabay irap at bumulong. "Jerk." Hindi na ito sumagot kaya tumahik nalang siya. Pero dahil sa pag uusap nila na iyon ay nawala ang awkwardness na nararamdaman niya kanina sa loob ng sasakyan nito. Ilang sandali ay huminto ang sinasakyan nila sa harap ng isang fast food. Nauna itong bumaba kaya sumunod siya sa lalaki. Hindi man lang siya nito pinagbuksan ng pinto napaghahalataan tuloy na wala itong ka-gentleman sa katawan nito. Paglabas niya ay nagulat siya dahil yung fast food pala na kakainan namin ay sa Mcdo. Isang Ryder kakain sa Mcdo ang labo naman yata pero okay na din kasi favorite naman niya kumain dito. Sana din ay libre, nagtitipid kasi siya ngayon. Dahil nga pinangbayad niya yung natitirang pera niya na panggastos sa isang linggo kay Aling Susana. Humarap ako dito. "Sure ka ba na dito tayo kakain?" Pero itong lalaki na 'to ay inirapan lang siya. Is he gay? Kanina pa kasi ito irap ng irap sa kaniya. Kung sakali man na bakla ito, ang gwapo nitong bakla infairness. Nang pinagbuksan kami ng guard ay nagpasalamat siya habang ang kasama naman niya ay tuloy tuloy na sa paglakad. Nang mahabol niya ito ay hinatak niya ito sa upuan na bakante na nakita niya sa gilid. Umupo na sila pero gulat na tumingin siya sa lalaki na bigla na lang nagtaas ng kamay animo nagtatawag ng waiter. May ilan na natatawa dahil sa ginagawa ng lalaki pero siya ay kulang na lang ay magtago dahil pinagtatawanan na sila ng mga kalapit na lamesa nila. Nagulat siya sa ginawa nito kaya naman agad niya hinatak pababa ang kamay ng lalaki. Seriously? What he's thinking? "What??" Takang tanong nito sa kanya habang nakakunot ang mga maganda at makinis na noo nito. "Anong what ka dyan? Ano sa tingin mo ginagawa mo at itinaas mo kamay mo," masungit na tanong niya dito. "Calling the waiter, stupid." At umirap pa sa kanya. Feirra rolled her eyes. "Tsk sorry to disappoint you jerk, pero walang waiter sa Mcdo na lalapit, magdadala ng menu at tatanungin kung anong order mo gaya ng inaakala mo," pagkasabi niya ay itinuro ni Feira ang counter. "Kita mo 'yan, dyan ka pipila at yung babae na iyon doon mo sa counter sasabihin yung order mo, dun ka din magbabayad, and lastly dyan mo kukunin yung order mo." Mahabang paliwanag niya dito habang tinuturo ang mga sinasabi niya. Sasakit ang ulo niya pag-ito ang kasama niya. Paano kaya kung dalhin niya sa karinderya si Ryder edi baka mas malala pa ang gawin nito. Nakita niya na panaka naka ng tingin si Ryder sa counter bago ito tumayo. He stand up. "Ako na o-order" "Sure ka?" tanong ni Feira dito. Mukhang hindi pa naman sanay itong lalaki na 'to. Mamaya may gawin na naman ito na kalokohan. Hindi pinansin ng lalaki ang tanong niya. "Anong oorderin ko sayo?" tanong ulit ni Ryder sa kanya. Dahil ayaw nitong magpaawat ay hindi na niya ito pinigilan. Titingnan na lang niya ito at pag may mali itong ginawa ay saka na lang niya susundan ang binata. "Ala king tapos pa upgrade mo yung fries." simpleng sabi niya dito. "Yun lang?" "Oo."Pagkatapos niyon ay pumunta na ito sa counter. Hindi naman ganun kahaba ang pila pero nagtaka si Feira kung bakit halos lahat ng babae na nasa unahan ng pila ni Ryder ay pinapa-una ito. Ano na naman kayang pakulo nito at bakit ito pinauuna sa pila? Naku... Naku... Ilang sandali lang ay natanaw niya na pabalik na ito, kaya naman inayos niya ang pagkakaupo. Pagbaba nito ng inorder niya ay tinulungan niya itong magayos. Kung ano ang inorder niya ay ganoon din ang kay Ryder. Walang labis walang kulang. "Eat first saka ko sayo ipaliwanag lahat pagkatapos natin kumain." Sabi nito kaya naman nag umpisa na siyang kumain. Aba masarap kumain pag libre sa isip ni Feira. Pero bago 'yan ay sinigurado muna niya kung libre ba iyon. Masama na baka mamaya pagkatapos niya kumain ay hingian na lang siya nito ng bayad. "Libre naman ito, di'ba?" She asked. Ryder looked at me. She can see amusement in his face. "Yes." "Thanks sa libre." Pasalamat niya dito pero tumango lang ito kaya naman tinuloy na niya ang pagkain niya. Nauna itong matapos kumain kaya naman binilisan na niya. Baka singhalan pa siya nito dahil sa kakupadan niya kumain. "Are you done?" "Yup." Umayos ito ng upo kaya naman ginagaya niya ito. Inayos muna niya ang pinagkainan at inilagay sa kabilang lamesa na walang tao. "Be my girlfriend" Simpleng sabi nito na nagpagulat sa kanya. "Fake girlfriend actually." Habol pa nito. Her eyes widened. What the f**k! Seryoso ba ito sa sinasabi nito? "Why?" Iyan lang ang nasabi niya. "Masyado nang makulit ang parents ko. Lagi nilang tinatanong sakin kung may girlfriend na ba ako? Gusto ko lang matigil na pagtatanong sakin at matapos na ang mga blind date na sine-set up ni Mom." "Why me? Ang daming nagkakandarapa sayo and still you choose me?" Feira murmured. "Because Bella know you. Nasabi sakin nito na you can do it." Wait.. What? Seriously Bell, ako talaga. Malamang kapag nalaman ito ng magaling niyang nanay sakit sa katawan na naman aabutin niya nito. "1 month ka lang naman magpapanggap na girlfriend ko after that wala na tayong koneksyon sa isa't isa. And I'll give you money after our pretending." "Just 1 month okay." Hirit niya dito. She badly needs the money kaya papatulan na niya ang sinabi nito. Hindi naman dahil sa mukha siyang pera, She just need the money naibibigay nito para ipadala sa Lola niya na hindi niya alam kung nasaan at kung nasa maayos lang ba ito na kalagayan. "Sure. But don't fall in love with me." Nakangising sabi nito sa kanya. Full of himself. Tsk! She rolled her eyes. "Sa tingin mo ba mahuhulog ako sayo? Pwede ba wag ka nang magpatawa." "Sinasabi ko lang. I know that nobody can resist my charm." Proud na sabi nito sa kanya at sabay tayo. Padabog na sinundan ito ni Feira. Ang yabang talaga ng lalaki na 'to. Wag na wag niya siyang isama sa mga babae niya na humaling na humaling sa kanya. Kasi hindi iyon mangyayari. Gaya nga nang sabi niya noon ay marami siyang bagay na kailangan gawin kaysa ang mahulog dito. Isa pa ay tiyak niyang masasaktan lang siya at sawang sawa na siya sa sakit kaya ayaw na niyang masaktan pa nang dahil sa pag-ibig. Baka hindi na niya kayanin pa ang sakit na nararamdaman. "Faster." Sabi nito sabay sakay sa sasakyan nito. Tingnan mo talaga hindi man lang siya pinagbuksan ng pinto. Binilisan niya ang lakad at agad din sumakay ng sasakyan nito. "Jerk" sabi niya rito sabay irap. Hindi siya nito pinansin kaya naman tumingin nalang siya sa gilid kung nasaan ang bintana para pagmasdan yung mga puno na nadadaanan nila. Hindi nagtagal ay huminto ang kanilang sinasakyan sa harap ng isang magarang gate- kulay ginto ito na may kakaibang disenyo. Sa taas ng gate ay hindi kita ang nasa loob nito. Bumusina ito at kaagad naman itong nakilala nung guard kaya agad sila nitong pinapasok. Ngumiti at binati sila ni Kuyang guard kaya ngumiti lang din siya dito pero itong katabi niya ay hindi man lang ito pinansin kaya wala nang bago doon. Saksakan ng sungit buti na lang talaga gwapo ito. Humanga si Feira sa ganda ng bahay o mas tama pang sabihin na mansyon. Napakalaki ng mansyon na ito. Ang lawak ng lupain nila Ryder at halata na inaalagaan ng maayos dahil kita mula dito ang mga naggagandahan na halaman at nagtataasan na puno. Iba't-ibang klase ng naggagandahang halaman ang pumukaw sa kanyang paningin. Tila ba na inaakit siya ng mga ito. Well she loves flowers, especially sunflowers. They are beautiful when they grow. The color of it makes her happy and it can enlighten her modes in any way. May nagbukas ng pinto kaya nagawi ang tingin niya sa pwesto kanina ng lalaki, hindi niya napansin na nakababa na pala ang kasama niya hindi man lang kasi siya sinabihan. "Let's go nag aantay na sila Mom," simpleng sambit nito sa kanya. Bumaba na siya sa sasakyan nito. Ibig sabihin ay alam at inaasahan na ng parents nito ang pagdating nila. Napatingin siya sa kamay niya ng may humawak rito. Biglang bumilis ang t***k ng puso ni Feira tila galing siya sa mahabang pagtakbo. Hindi niya maintindihan ang sarili hindi naman ganito dati ang t***k ng puso niya pag may humahawak na lalaki sa kamay niya. Hahatakin na dapat niya ang kamay pabalik ng higpitan nito ang paghawak sa kamay niya na animo ayaw siya nito pakawalan. "Don't." Pagpigil nito sa kanya. Nagtataka siyang tumingin dito. "Kailangan ba talagang hawakan ang kamay ko?" kinakabahan na tanong ni Feira. Gusto niyang magpasalamat dahil hindi siya nabulol habang sinasabi iyon. Huminto ito sa paglalakad at tumingin sa kanya. Gusto niyang umiwas ng tingin dahil hindi niya kaya pantayan ang tingin na ibinibigay nito sa kaniya na animo ba dinadala siya nito sa ibang lugar na sila lamang ang may alam. "Haharap tayo sa parents ko di'ba?" Tanong rin nito sa kaniya at isang tango ang ginawa niya bilang sagot dito. "Then we need to pretend that we love each other," he added. Love talaga? Pero tama naman ito. Kailangan nila ipakita at kumbinsihin ang mga magulang nito na nasa isang relasyon silang dalawa. "Okay. Kaninong mansyon 'to?" Hindi na nakatiis si Feira kaya nagtanong na siya. Gusto lang niya masigurado kung kanino nga ito. Ang ganda ganda kasi nito halatang mayaman ang mayari.  "Sa parents ko." Sabi nito sabay tingin sa kanya. Wow, edi sila na mayaman, sa isip ni Feira. Sana ay magkaroon din siya nang ganitong kalaki na mansyon pag nakapag trabaho na siya. Kailangan muna niyang maging isang bilyonaryo para magawa iyon, pero syempre malabo iyon na mangyari. Nasa harap na sila ng malaking pinto. Bigla siyang nakaramdam ng kaba. Paano kapag hindi siya nagustuhan ng parents ni Ryder? Sabihin man natin na nagpapanggap lang sila pero haharap parin siya sa parents nito. "Don't worry mabait ang parents ko especially my Mom." Pagpapagaan nito sa loob niya. Bumuntong hininga siya at tumingin dito at nginitian niya ito. Tinulak nito ang pinto na may kakaibang ukit na disenyo. Kung maganda ang labas ng mansion ay mas may igaganda pa pala ang loob nito. She can't describe how jaw dropping the mansion is. From the interior design of it. Halata na pinagisipan at pinagplanuhan nang mabuti ang interior design ng mansyon. Hindi pa man nasusulit ni Feira ang paglilibot ng tingin ng may sumalubong sa kanila na matanda. Nakasuot ito ng maid uniform, maybe this is the mayordoma. "Anak nandito ka na pala," anito saka humalik sa pisngi ni Ryder. "Siya na ba yung kasintahan mo? Kay gandang dalaga naman pala anak bagay na bagay kayo," sambit nito habang bakas ang kilig nito dahil sa kanilang dalawa ni Ryder. She wanted to p**e ng sinabi nito na bagay silang dalawa ng binata. Lumapit ito sakin at niyakap siya. Nang bitawan siya nito ay pinakilala siya ni Ryder sa matanda. "Manang this is Feira my girlfriend, love this is Manang Rosa ang mayordoma." he stated. "At ako rin ang nag alaga dyan sa bata nayang nung maliit pa yan." Dagdag pa ni Manang Rosa. "Manang tama na 'yan, asan pala sila?" tanong ni Ryder sa matanda. Napatingin si Feira sa babae na bumababa sa engrandeng hagdan. Rinig na rinig niya ang ginagawang tunog ng mataas na heels nito sa marmol na sahig. "Ayan na pala eh... maiwan ko na kayo diyan ihahanda ko na yung hapunan." Paalam nito sa kanila saka sila iniwan at pumunta na sa kusina. When she glanced at the lady, she looked stunning. Sa pananamit palang nito ay masasabi na niyang engrande at mayaman ito. Her angelic face- napakaganda para ba na wala itong problemang dinadala. "Mom." Wait nanay ni Ryder itong babae na dyosa na ito? Nilapitan ito ni Ryder para gabayan sa pagbaba ng hagdan. Wow, gentleman, but for her, he is still a jerk. "Son." She smiled at nagbeso sila ni Ryder. "You're with?" at tumingin ito sa kanya. Nagbaba si Feira ng tingin, nahihiya siya dito. She examined her. Nakaka intimidate ang mga tingin na ibinibigay nito sa kaniya. Hindi tuloy niya alam ang gagawin sa mga oras na iyon. She's in the middle of she'll run or she will face this gorgeous lady. Natatakot siya na baka may masabi siya o magawa na hindi nito magustuhan. Lumapit ito sa kaniya kaya naman bigla siyang kinabahan. Rinig na rinig niya ang malakas na pagtibok nang puso niya. Nang mismong nasa harap na niya ito ay nagulat siya sa ginawa nito. Hindi niya inaasahan iyon mula sa Ina nang binata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD