Napakaganda ng lugar na kinaroroonan niya para ba na ayaw na ni Feira umalis pa. She wanted to stay there forever. Kumpleto ang pamilya niya-- ang mama, ang papa at ang lola niya. Ang saya nilang tingnan para ba na wala silang problema na pinagdadaanan.
She treasures this day. She will never forget this day.
Pinagmasdan ni Feira ang Mama nya at nakita niya na tumingin ito sa kanya, saka sabay ngiti at bumulong "I love you anak." Ginantihan niya ito, mangiyak ngiyak niyang pinagmasdan ang kanyang Ina. This is the first time her mother said those words to her.
Sobrang sarap sa feeling nung ganon na-
Hindi na natapos pa ni Feira ang sasabihin nang may bigla na lang na malakas na sumigaw sa tabi niya.
"Lintek na bata ka naman kanina pa kita ginigising. Ano ba Feira, ganyan ka na lang ba talaga huh?!!!" Nagising si Feira sa malakas na sigaw ng Mama niya.
Panaginip. Panaginip lang pala ang lahat. Sana hindi na lang siya nagising. Pero sa kasamaang palad mas lalo siya nagising nung pinaghahampas siya ng tambo ng Mama niya.
"Mama.. tama na po masakit." Hinaing niya dito pero para ba ng wala itong naririnig dahil patuloy lang ito sa p*******t sa kanya. Ilang beses pa siya nito hinampas hanggang sa makuntento ito.
"Talagang masasaktan ka sakin. Pinaka ayoko yung tatamad-tamad. Pasalamat ka at pinagtitiyagaan ka pa namin ng Papa mo. Wala kang kwentang anak!!" Masakit marinig na yung masasakit na salita na iyon ay galing pa sa mismong bibig ng Ina niya. Pero kahit ganun pa man ay hindi siya nagreklamo at sumagot dito. Tiniis na lang niya ang mga binabato nitong salita. Their words are like a sharp knife that always stabs her heart. But as their daughter, she never fought back.
Pinilit ni Feira na hindi umiyak sa harap ng Ina. Hindi siya magsasayang ng luha sa kanila. Ayoko na ipakita sa kanila na mahina ako, na ilang hampas lang ay iiyak na agad siya.
"Wag kang aalis ng bahay. Maglinis ka dito at darating ang mga amiga ko mamaya. At saka ipaglaba mo kami ng Papa mo ng mga maruruming damit namin. Kunin mo na lang sa silid namin," sabi nito. Aalis na dapat ito ng pigilan niya ito.
"P-pero mama m-may pasok pa po ako." Aniya.
"Wala akong pake. Kapag nalaman ko na umalis ka nang bahay na ito makakatikim ka sakin. Naiintindihan mo ba?" sambit ng mama niya.
Wala siyang magawa kung hindi ang sumunod sa utos nito. Baka kapag sinuway niya pa ito ay lalo lang siyang masaktan at baka pati ang papa niya ay saktan na din siya.
"At isa pa nga pala bayaran mo na nang buo yung utang ko kay Susana. Isa pa yung matanda na 'yon kay hirap pakiusapan. Para namang hindi magbabayad ng utang," anito at saka walang pag aatubili na lumabas ng kwarto niya.
"Feira Tolentino Sy kaya mo ito, malalampasan mo din lahat ng ito. Be strong Fei.. para sa Lola mo. Fighting!" Pagpapalakas niya sa sarili, pero kahit anong gawin niya ay hindi na niya pa mapigilan ang masaganang luha na bumuhos mula sa mga mata niya na kanina pa niya pinipigilan.
Just cry Fei and after that stand up again. Everything will be fine. Everything will fall into pieces. Aniya sa sarili niya at umiyak nang umiyak hanggang sa gumaan ang pakiramdam niya.
Kailangan mo magtiis Feira. Wag kang mawalan ng pagasa mamahalin ka din ng parents mo. Siguro ay may malaking problema lang sila na pinagdadaanan kaya ganyan ka nila tratuhin mula apat na taon nang nakakalipas.
Ayaw niya ng ganito... Masyado masakit sa dibdib, pero hanggang kaya niya na tiisin ay titiisin niya lahat. Lahat ng sakit.
Ayaw niya ng malungkot siya mas gusto niya yung palaban na Feira. Kaya naman mabilis niyang kinuha ang cellphone at saka siya nag patugtog. Hindi na niya tiningnan kung anong kanta ang napindot niya.
Once I was seven years old my momma told me
Go make yourself some friends or you'll be lonely
Once I was seven years old
Limang taon pa lang ay mag-isa na si Feira pero thanks to her Lola Nita- her grandmother. Ang Mama at Papa niya ay iniwan siya kaya siya nag iisa buti nalang andyan lagi ang Lola niya, ito ang tumayong magulang at bestfriend niya noong silang dalawa lang ang magkasama at hindi pa niya nakilala si Bella noon.
It was a big big world, but we through we were bigger
Pushing each other to the limits, we were learning quicker
By eleven smoking herb and drinking burning liquor
Never rich so we were out to make that steady figures
Ano ba naman yan pati ba naman kanta tungkol parin sa pamilya. Kaya inilipat niya iyon at mas pinili yung happy happy na kanta, pam-party ba.. nang sumigla at ganahan naman yung katawan niya.
Mabilis siyang kumilos para magligpit sa bahay nila. Ipaglalaba pa kasi niya ang parents niya.
Her phone rang. When she looked at the screen of her phone. Nakita niya na si Bella pala ang tumatawag.
"Hello Bella"
"Feira nasaan ka na ba mag-uumpisa na klase." May pag-aalalang tanong nito sa kanya.
"Hindi ako pinapasok ni Mama, Bell pakisabi na lang kay prof na may sakit ako." Alam ko naman na sasabihin niya iyon sa prof.
"Iyang Mama mo talaga ano... okay sige ako na bahala magsabi kay prof, dadaan ko na lang sa inyo mamaya yung notes ko pag wala na akong gagawin."
Thankful talaga siya na may kaibigan siya na katulad ni Bella. She never left me even na ganito yung kalagayan ko sa bahay. "Thanks Bella."
"Bye best friend. Love you" sabi nito.
Pagkatapos nilang magusap ni Bell ay inumpisahan na niya na maglaba.
After how many hours natapos din niya ang lahat ng utos ng Mama niya. Nakapagluto na rin siya nang hapunan at nalinis na niya ang dapat na linisin sa bahay nila.
She look at her wrist watch- malapit na palang umuwi ang Mama at Papa niya. Kaya umakyat muna si Feira sa taas para maglinis ng katawan.
Hindi nito napansin ang oras. Masyado na pala siyang nagtagal sa banyo.
May kumatok sa pinto ng kuwarto niya. "Feira anak." Ang Papa pala niya ang kumakatok.
"Bakit po Pa," ani Feira sa Ama.
"Bumaba ka na kanina pa galit ang mama mo, andyan nga din pala ang mga amiga niya kaya ayusin mo. Wag mong ipahiya ang Mama mo kung hindi makakatikim ka sakin ng sampal." Mahabang sabi ng Papa niya.
"Opo... Papa"
Aamba sana ang Papa niya ng sampal pero hindi nito tinuloy. "Bilisan mo, ano.... Pang-tinutunganga mo dyan."
Muntik na naman siyang matamaan. Pang-ilan na niya ito ngayon araw.
Bumaba na si Feira pagkatapos niya ayusin ang suot na damit. Baka mamaya ay totohanin ng Papa niya yung sabi nito, mahirap na. Ayaw niya makatikim ulit tama na muna ang ginawa sa kanya ng Mama niya kanina.
Naabutan niyang nagtatawanan ang Mama niya habang umiinom ng wine kasama ang mga amiga nito. Nag-wine pa talaga wala na nga silang pera. "Mama" pagtawag pansin ni Feira dito.
Napatingin sa kaniya ang lahat. "Andyan ka na pala anak." Ani Mama habang nakangiti at niyakap siya nito. "May bisita ako umayos ka Feira." Her mother whispered in her ears while hugging her, tightly.
"Amiga iyan na ba yung anak mo? Aba malaki na pala." Sabi ng isa sa mga amiga ni Mama. Hindi ko kilala ang mga amiga ni Mama. Pero ngumiti ako sa babae. Nasa mid 40's na ito.
"Oo nga. Kay gandang dalaga naman." May pag-hangang sabi nung isa pang amiga nito. Gaya nung isa ay nginitian niya lang din ito.
Humarap sa kanila ang Mama nya. " Aba syempre kanino pa ba magmamana." Ani nito habang tumatawa.
Bumalik ang Mama ni Feira sa pwesto nito kanina. Kaya ang ginawa niya ay pumunta muna siya sa kusina para ihain ang mga niluto niya para sa mga bisita ng Mama niya. Buti na lang pala at nauna na siya kumain kanina.
"Ma kain na po kayo. Inihain ko na yung mga pagkain sa lamesa." She says.
Her Mother didn't looked at her. "Mga Amiga tara na sa kusina tiyak na kanina pa kayo gutom." Aya ng Ina niya. Ni hindi man lang siya nito tinapunan ng tingin at tanungin kung kumain na rin ba siya.
Umakyat na siya at saka pumunta sa silid niya. Nakakapagod ang araw na'to para kay Feira. Humiga siya sa kanyang kama. "Good night Feira. Good night Lola, I miss you so much." She whispered in herself.
Kinabukasan ay maaga si Feira gumising para magluto ng agahan. Tiyak na kakagalitan siya ng kanyang Mama at Papa pag-nagising ang mga ito nang hindi pa siya nakapaghain.
Ang masama pa niyan ay baka hindi ulit siya papasukin kailangan pa naman niyang humabol sa klase nila. Graduating na siya kaya mahirap para sa kanya ang lumiliban sa klase at baka mapagiwanan siya.
Narinig niya ang yabag ng Papa niya, at mukhang nagmamadali ito. "Feira ipagtimpla mo ako ng kape. Bilisan mo!" Utos ng papa niya pagkakita nito sa kanya. Agad siyang kumilos at nagtimpla ng kape para sa Ama niya. Sa kasamaang palad ay nagtungo si Feira ng Mama niya kaya natapon ang kape sa damit ng kanyang Papa.
"I'm sorry-" hindi na natuloy ni Feira ng putulin nito ang nais niyang sabihin.
Napabaling ang mukha niya ng masampal siya ng ama. Rinig na rinig ang tunog na gawa nito. "Lintek ka talagang babae ka. Hindi ka marunong mag-ingat, alam mo naman na nagmamadali na ako tapos tatanga tanga ka pa." Mabilis na dinaluhan ng Mama niya ang Papa niya para punasan ang damit nito na natapunan niya. "Ang simple simple lang ng inuutos ko hindi mo pa magawa ng tama."
"Papa hindi ko po sinasadya. Natabig po ako ni Mama kaya-" Hindi na natapos pa ni Feira ang sasabihin niya dahil magkabilang sampal na naman ang natamo niya sa Mama niya.
"Sinisi mo pa talaga ako sa katangahan mo huh!" galit na galit na sabi nito sa kaniya. Pulang pula ang mukha ng Ina niya dahil sa inis at galit na nararamdaman.
Galit ba ito dahil ito ang may kasalanan o dahil sinisisi niya ito. Pero hindi naman niya sinasadya na matapunan ang damit ng Papa niya. Lahat ng iyon ay aksidente lamang.
"Wala kang utang na loob Feira sinisisi mo pa ang ibang tao dahil dyan sa kapalpakan mo." Matabang na sabi sa kanya ng Papa niya.
She wanted to laugh dahil sa sinabi nito pero pinigilan niya ang sarili.
Feira took a deep breath. She's trying not to cry in front of her parents but she just can't. She cannot hold back her tears anymore.
Mangiyak ngiyak niyang hinarap ang Papa niya. "Pa... hindi ko naman po sinisisi si Mama. Sinasabi ko lang yung totoo pero parang ang big deal naman po yata." Sobra na kasi sila. "P-Papa.. kampihan mo naman ako k-kahit......kahit minsan lang ohh..."
Pero sa halip na kampihan siya ay tinulungan pa nito ang Mama niya sa p*******t sa kanya.
Walang pumipigil sa kanila kahit pa may nakakapansin na ang mga kapitbahay. May ilan na sumisilip pa sa bintana nila. Mga chismosa. Mga walang kwenta.
It hurts. Kailan ba mawawala ang ganitong pakiramdam niya.
Nung napagod ang mga ito sa p*******t ay umalis na ang parents niya, dahil daw may hinahabol pa ang mga ito na trabaho. Magpapasalamat na ba siya. Masasabi niya na ba na save by the bell.
The heck!
Kahit nanghihina ay pinilit niyang magbihis ng uniporme niya. Kailangan pa niyang pumasok sa trabaho at kailangan na din niyang mag aral.
Madaming nakapansin ng mga sugat niya pero ni isa ay walang nagtangkang magtanong sa kanya. Pasalamat na lang din dahil ayaw niya, sagutin ang mga tanong na binabato ng mga ito sa kanya.
Maayos naman nagawa ni Feira ang trabaho kahit mabagal ang kilos niya, masakit pa kasi ang katawan niya dahil sa p*******t ng kanyang mga magulang.
Palabas na sana siya ng café ng may bumangga sa balikat niya dahilan para mapa-igik siya sa sakit.
"Aray!!" Lintek naman oh! Hindi pa nga nakaka move on sa sakit yung katawan niya binangga pa siya. Ang masaklap pa doon ay parang bakal pa naman ang balikat nung nakabangga sa kanyang lalaki.
Masama niyang tiningnan yung lalaki pero tuloy tuloy lang ito sa paglalakad. "Hoy lalaki!" pagtawag niya dito. Kaya naman napahinto ito.
"Hindi ka man lang ba magso-sorry?"
Kumunot ang noo nito at halatang nainis sa tanong niya. "Why would I do that?" Maangas na tanong nito.
"Why!? Dahil binangga mo balikat ko."
"Stupid," sabi nito sabay talikod.
Mabilis siyang tumakbo sa gawi nito sabay batok dito ng malakas.
"Jerk" Aniya sabay takbo. Mahirap na baka gantihan pa siya nito.
Narinig pa niya na sumigaw yung lalaki pero sorry nalang, wala siyang paki basta naka ganti na siya.
Sana ay hindi na magtagpo landas nila sa isip isip niya.
Nakangiti siyang pumasok sa GU. Pansin din ng mga kaklase niya ang mga sugat at pasa niya pero hindi niya na sila pinagtuunan ng pansin hinintay nalang niya na dumating si Bella ang kaibigan niya.