After how many years of being Mrs. Gibson, Feira never felt alone. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos ay lagi pinaparamdam sa kanya ni Ryder kung gaano siya nito kamahal. Kahit na minsan ay hindi nila naiiwasan na magkaroon ng hindi pagkakaunawan pero hindi naman hinahayaan ng asawa niya na lumipas ang gabi na hindi sila nagkakaayos na dalawa. Feira does not regret that she forgive her husband dahil kung hindi dito ay hindi niya mararanasan kung gaano siya kasaya ngayon. “Ryzen, tigilan mo ang salamin ng Daddy mo,” saway ni Feira sa limang taong gulang na anak na lalaki ng makita itong suot nito ang salamin ng asawa niya na mayroong grado. “Take that off, baby, masisira ang mata mo.” Hindi sumagot ang anak ngunit nakangusong tinanggal nito ang salamin at inilapag sa office table ni Ryder
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


