Umuwi si Bella sa kanilang mansyon kasama si Clark- galit na galit siya sa kapatid niya. Nalaman niya na ang kasama ni Ryder ay ang kakambal niya nang malaman ni Feira ang lahat lahat. Damn.... Gigil na gigil siya. Oo, walang alam ang lahat kung anong klaseng pamilya ang meron ang kaibigan niya at kung ano ang nararanasan ng kaibigan niya sa kamay nang sariling magulang nito- siya lang dati ang may alam at ngayon ay alam na ni Clark. Nang ihinto ni Clark ang sasakyan nito ay mabilis siyang bumaba. Kalmado naman na sumunod sa kanya ang binata hindi katulad niya na iritado at galit. "Calm down, Bella." Ani Clark sa kaniya. How? Hindi niya kayang pakalmahin ang sarili hanggang hindi niya kinakausap ang kapatid. At hanggat hindi siya naliliwanagan. Gusto niya marinig ang sasabihin ni Ryde