Chapter- 16

2078 Words

Nagtaka si Knight kung bakit hindi siya nilagyan ng posas ng mga pulis. Basta pinagitnaan lang siya ng mga ito hanggang makasakay sila sa police car. Dumiretso sila sa korte. Nadatnan niya ang kanyang ama at kapatid ni Shy sa loob ng court. Palinga-linga siya sa pagbabakasakaling makita ang kanyang mag-ina. Kahit sa huling sandali man lang sana ay masilayan niya ang mga ito— kaso ay nabigo siya. Habang naghihintay ng sasabihin ng mga hukom ay hindi na niya napigilan ang mapaluha. Bigong-bigo siya. Ni anino man lang ni Shy at ng anak nila ay hindi napadpad doon. Nang tumayo ang lahat para mag-uumpisa ang pagbasa sa kanyang hatol ay parang matutumba siya. Napahawak siya sa katabing upuan at doon kumuha ng lakas. Nanginginig ang kanyang mga tuhod. "Please be seated," boses iyon ng hukom.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD