Sa bawat araw na dumadaan ay parang mababaliw na si Knight. Sumosobra na ang pag-iwas sa kanya ni Shy. Wala mang nabago sa routine ng babae sa pagiging misis niya ay talo pa nito ang de-bateryang laruan. Kakausapin lang siya nito kung may importante'ng itatanong sa kanya. Ang dating masaya nilang pamilya ay nawala na nang dumistansya ito sa kanya. Naging alcoholic na naman si Knight. Palagi ring gabi na siya umuuwi. Wala namang pakialam si Shy. Halos dalawang taon na silang ganito hanggang isang gabi ay hindi na siya nakauwi sa kanilang bahay. Kinabukasan, bumulaga na lang kay Shyang isang balita, *Billionaire Young Man; Under Arrest Last Night." Hindi na sana papansinin ni Shy ang nasa tabloid nang mamataan niya ang nakatagilid na mukha ng lalaki habang nakaposas ito. "K-Knight?" Na